Everyday is a struggle sabi nila.. I agree naman. Pero ang struggle ba would hinder you to have fun? I don't think so.. Mahirap talaga ang buhay ng isang researcher, lalo na kung ang show mo ay isang magazine show na kelangan lahat ng story ay bago, kakaiba, at talagang exciting.. Ang sabi ko "mahirap" pero hindi ko sinabing "malungkot"! Mahirap man ang buhay ng isang researcher, masaya naman! Ngek! Panung mahirap ba kasi? Dahil ba di kalakihan ang sweldo? Or dahil mahirap talaga mag-generate ng stories? Sige na nga, kayo na ang magdecide kung bakit nga ba mahirap.. Eto ang kwento ko:
Ang buhay ko ay nagsisimula ng anung araw nga ba? Basta dapat, bago magtapos ang linggo, may story proposals ka na, not just one, not two, pero dapat ay more than 5! Para kung may ma-reject, maraming back-up! Ayun, pag na-approve na ang stories, derecho coordination na yan, tapos schedule mo na ang shoot for your segment producer (SP). At ang assigned shooting days ko lang ay every tuesday and thursday.. Problema ko na pag di ko nasunod yun! :D Dapat ka din mag-provide ng backgrounder or research for your SP.. so ang buhay ng isang researcher ay mula lunes hanggang biyernes na nageextend until weekends kung minsan! We spent hours surfing the net, reading newspapers, magazines, blogs; gumugugol din kame ng mahabang oras sa pagtawag sa telepono just to coordinate and do pre-interviews.. suki na kame sa 187 directory ng PLDT dahil dun namen kinukuha ang mga numbers ng mga companies na aming unang beses makakasalamuha! Syempre 4 researchers kame sa show, so talagang agawan kame sa PC at sa telephone.. hehe! Pero nagbibigayan naman kame nu! Tapos gagawa ka pa ng itinerary ng SP mo para sa shoot, dapat well-coordinated na ang shoot para walang problema, dapat ma-maximize mo ang buong araw kase yun naman talaga ang dapat.. Dapat hindi na kame sumasama sa mga locations, pero minsan kelangan kami sumama pag medyo di maayos ang coordination or kung talagang heavy or maganda ang story.. basta ang alam ko, di talaga namin hawak ang mga oras namen, dahil syempre nasa media kame, round the clock dapat kame (wow sekyu lang?).. May mga pangyayari pa na di namin inaasahan, mga "expect the unexpected" scenarios na sobrang mapapa-tumbling ka sa tindi, like di sumipot ang case study, late ang SP mo at maaapektuhan ang buong sked mo for the whole day, major adjustment talaga!, pinapapalitan ng SP mo ang case study, hihingi ng additional shoots or requirements for the story.. hay.. no matter how organized ka, masisira talaga ang organizational skills mo pag sa ganitong field ka magtatrabaho, PERO masaya naman talaga ang buhay namen!
Pag umere na ang segment mo, makakahinga ka na ng maluwag, ibig sabihin, next stories mo na dapat ang ginagawa mo at ang buong proseso ay mauulit na naman.. Sabi nga nila: "Wag ka munang kampante hangga't di pa umeere ang story mu".. Tama nga naman di ba? May mga araw na naka-tengga kame, kaya ayun, inuubos ang oras sa kwentuhan, sa pagkain ng pishbols, pagpunta sa 7-11, sa pagpicture.. hehe. Masaya talaga. Parang naglalaro lang kami. Pero pag ang pressure ay nandyan na, mag-aadik na kame. Di ko alam if this blog actually made sense, parang wala di ba? Super random ang pagkakasulat, alam na alam na sabog ang sumulat. hehe. Pero eto lang ang masasabi ko, you will never ever understand life in media if you are not actually part of it.. Agree or disagree? Di kase predictable ang buhay dito. Di pwedeng ma-contain sa mga libro lamang.. Pero ang researcher na kagaya ko na super bago pa sa larangang ito ay masaya naman.. Wait, I made sense pala, made sense out of fun.. :D So, macoy, mahirap nga ba talaga ang buhay researcher?? yes, mahirap na masaya! :)
Thursday, December 06, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
3 comments:
pero mas nangibabaw ang hirap kaysa saya kaya iiwan mo na kami!!!!
hahaha! hindi naman! :D as I've said, just a change of heart..
haaay, buti pa ang trabaho kayang iwan,,,, pero ang love life, haaay, ang tagal bago makapag move on ni macoy. hehhe
Post a Comment